Tampok din sina Jonathan Manalo at Yeng Constantino bilang Idol mentors at pasabog na pailaw na “IDOL” sa ABS-CBN ELJ building
Sasabak sa huling round ng puksaan sa kantahan ang natitirang siyam na kiddie hopefuls sa live semifinals ng “Idol Kids Philippines” ngayong weekend tampok din ang special live performance ng Filipino boy group BGYO sa Linggo (Setyembre 21) at ni KHIMO ngayong Sabado (Setyembre 20).
Maghahatid ng pasabog live performances at kilig sa madla sina BGYO Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate, tampok din si “Idol Philippines” season 2 grand winner Khimo Gulatay, at makakasama naman ng kiddie hopefuls bilang celebrity mentors sina award-winning songwriter and producer Jonathan Manalo at Pop Rock Royalty Yeng Constantino.
Handa na ring ipamalas nina kiddie hopeful Andrea, Francheska, Jairah, Klied, Leisah, Miggy, Samantha, Sean, at Yassi ang kanilang nakahandang alas sa kantahan para masungkit ang huling tatlong slot para sa inaabangang final showdown.
Samantala, agaw-pansin naman ang iconic ELJ Communications Center building ng ABS-CBN na nagliwanag ng salitang “IDOL” na simbolo ng patindi nang patinding tapatan sa kantahan ng kiddie hopefuls.
Matatandaang una nang umariba sa final showdown sina kiddie hopeful Alexa, MJ, at Quinn matapos magtagumpay sa kanilang laban sa unang batch ng live semifinals.
Mas iinit pa ang labanan ngayong Sabado at Linggo (Setyembre 20 at 21) sa pagbabalik ng siyam pang natitirang kiddie hopefuls sa harap ng Kapamilya Idol judges na sina Regine Velasquez-Alcasid, Angeline Quinto, Juan Karlos, at Gary Valenciano.
Tutukan ang “Idol Kids Philippines” tuwing Sabado at Linggo, 7:15 p.m. hanggang 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at 8:00 p.m. hanggang 9:15 p.m. sa TV5.
Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.