Tampok din ang tagos sa pusong kantahan kasama si TJ Monterde at Top 6 kiddie hopefuls
Hindi magpapahuli sa Idol stage ang tambalan nina Sample King Jhong Hilario at Philippine King of the Dancefloor Vhong Navarro na maghahatid ng pasabog na indakan sa Final Showdown ng “Idol Kids Philippines” ngayong Linggo (Setyembre 28).
Tampok din sa unang bahagi ng Final Showdown ang OPM singer-songwriter na si TJ Monterde, na maghahatid naman ng tagos sa pusong awitin sa unang araw ng pasiklaban ng Top 6 kiddie hopefuls ngayong Sabado (Setyembre 27).
Bibida ang world-class na talento sa pag-awit ng Top 6 kiddie hopefuls na sina Alexa, Klied, MJ, Quinn, Sean, at Yassi sa pag-abot ng kanilang pangarap na maging kauna-unahang “Idol Kids Philippines” grand winner.
Handa ring masaksihan ang pinakamalaking tagisan ng galing sa kantahan ngayong taon ng Kapamilya Idol judges na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, record-breaking singer-songwriter Juan Karlos, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Abangan ang Final Showdown ng “Idol Kids Philippines” ngayong Sabado at Linggo, 7:15 p.m. hanggang 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at 8:00 p.m. hanggang 9:15 p.m. sa TV5.
Para sa ibang detalye tungkol sa “Idol Philippines,” i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.