News Releases

English | Tagalog

KHIMO busong pusong ibinibida ang musika sa self-titled album

September 19, 2025 AT 11:47 AM

Magpapaindak sa album key track na “Isayaw Mo Lang”

Inilunsad na ng “Idol Philippines” season 2 grand winner na si Khimo Gumatay ang kanyang unang album na tinawag na “KHIMO,” na isang selebrasyon sa naging ebolusyon niya bilang artist.

Mapapakinggan ang natatanging pop R&B voice ng Kapamilya singer sa eight-track album na inilabas sa ilalim ng Star Music.

Ang kantang “Isayaw Mo Lang” ang nagsisilbing key track nito na talaga namang magpapaindak at swak para sa mga nais na huwag pansinin ang mga alalahanin sa paligid. Si KHIMO ang mismong nagsulat ng kanta kasama na ang apat pang tracks ng album.

Ilan pa sa mga bagong kanta na tampok dito ang “Di Mapigilan,” “Hush, Baby,” “Kamahalan,” “I’m Home,” at ang remake niya ng OPM classic na “Hataw Na.”

Kabilang din sa “KHIMO” album ang mga nauna na niyang inilabas na awitin na “Happy Ending” at “Nasunog.”

Nanalo si KHIMO sa ABS-CBN singing reality competition na “Idol Philippines” taong 2022 pero bago ito, sumali rin siya sa “Tawag ng Tanghalan” season 3 at naging bahagi ng duo na Binary sa “Your Moment.” Nakapaglabas na rin siya ng mga awiting “Where the Sun Goes” at “My Time” pati na rin ang “Sino Ka Ba” na bahagi ng soundtrack ng “The Iron Heart.”

Nanggaling sa pamilya ng mga mang-aawit si KHIMO na nagsimulang tumugtog ng gitara sa edad na 7 taong gulang. Itinuturing niyang musical influences ang Earth Wind and Fire at sina D’Angelo, Stevie Wonder, James Brown, at Marvin Gaye.

Napapakinggan na ang “KHIMO” album sa music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.