News Releases

English | Tagalog

Maja, magbabalik-primetime teleserye sa ABS-CBN

September 05, 2025 AT 01:08 PM

Makakasama sina Kathryn at James sa bigating proyekto

 

“Her MAJAsty” is back! Pasabog ang pagbabalik-Kapamilya teleserye ni Maja Salvador kung saan pagbibidahan niya ang inaabangang primetime serye ng ABS-CBN. 

 

Makakasama ni Maja sa naturang proyekto ang dalawa pang bigating artista na sina Kathryn Bernardo at James Reid.

 

Kinumpirma ito ng Dreamscape Entertainment ngayong araw (Setyembre 5) sa isang video na pinost sa social media kung saan nasa isang photoshoot sina Maja, Kathryn, at James at may caption na, “Someone is going to mess with them.”

 

Natuwa naman ang fans sa balita dahil matagal na nilang inaabangan ang pagsasama-sama ng tatlong bigating stars sa isang teleserye ng ABS-CBN. 

 

Katulad nina Kathryn at James, magsisilbi rin itong Kapamilya teleserye comeback ni Maja pagkatapos ng “The Killer Bride” noong 2019 at nagkaroon din siya ng special guest appearance sa “The Iron Heart” noong 2022. 

 

Una nang inanunsyo ng serye ang pagtatambal nina Kathryn at James kung saan nagtala ang video teaser ng higit 3.5 milyong views sa loob ng 24 oras.

 

Abangan ang iba pang mga detalye sa social media accounts ng Dreamscape Entertainment. 

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Maja, magbabalik-primetime teleserye sa ABS-CBN