Tampok ang mga makulay na kwento’t hindi malilimutang karanasan ng BINI sa kanilang “BINIverse World Tour 2025” ngayong Setyembre 21
Ibibida ng nation’s girl group BINI ang kanilang makulay na karanasan sa paglibot sa mundo sa kanilang bagong reality series na “BINI World Tour Stories” na eksklusibong mapapanood sa iWant simula Setyembre 21 (Linggo).
Ibabahagi ng BINI ang kanilang hindi malilimutang experiences mula sa matagumpay at sold-out na “BINIverse World Tour 2025,” na nagsimula sa Philippine Arena sa Pilipinas at umarangkada rin sa Dubai (United Arab Emirates), London (United Kingdom), at sa iba’t ibang lungsod sa North America gaya ng Toronto (Canada), Washington D.C., Hollywood, at Las Vegas (United States).
Mas makikilala rin ng Blooms ang personal na kwento nina BINI Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena tungkol sa pagharap nila sa iba’t ibang pagsubok gaya ng matagal na pagkakalayo sa pamilya at matinding pressure ng kasikatan.
Mapapanood din sa nasabing series kung paano nanatiling matibay ang kanilang samahan bilang isang grupo, na ngayon ay magkakapatid na ang turingan, walang kupas na passion para sa musika, at inspirasyong hinuhugot mula sa kanilang pamilya at fans.
Handog naman ng iWant sa Blooms ang libreng Basic Plan subscription sa BINI Global Exclusive members na magbibigay access sa “BINI World Tour Stories,” kompletong chapters ng BINI docuseries, at buong library ng on-demand content at live channels ng iWant. Tatanggap ang bawat miyembro ng unique voucher sa kanilang account sa BINI Global website.
Huwag palampasin ang makulay na paglalakbay ng BINI sa “BINI World Tour Stories,” eksklusibong mapapanood sa iWant simula Setyembre 21 (Linggo), 8pm.
Mapapanood din ang nasabing series ng mga hindi member ng BINI Global Exclusive sa halagang P35 bawat buwan sa Pilipinas, handog ng iWant ang abot-kayang access sa mga eksklusibong palabas, paboritong original series, teleserye, at live stream.
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.