News Releases

English | Tagalog

Coco, makakabanggaan sina Maris, John, at Jake sa malaking action scene

September 13, 2025 AT 07:36 PM

Christopher at Chanda, mamamaalam na sa “FPJ’s Batang Quiapo”?

Raratsada na ang isa sa pinakamalaking action scene ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan pangungunahan ni Tanggol (Coco Martin) ang makapigil-hiningang digmaan sa pag-arangkada ng bagong yugto ng Kapamilya teleserye.

 

Nakahanda na ang batalyon na mga tauhan nina Tanggol at Ramon (Christopher De Leon) para sa nagbabadyang pagsugpo nina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto Guerrero (Albert Martinez). Desidido na kasi silang tapusin ang angkan ng isa’t isa pagkatapos ang matindi nilang alitan sa nagdaang eleksyon. 

 

Lalo pang titindi ang gyera sa kanilang paghaharap dahil nakipagsanib-pwersa si Roberto sa kapulisan, sa pangunguna ni Rigor (John Estrada) kasama ang baguhang pulis na si Ponggay (Maris Racal), upang pabagsakin ang mga Montenegro na kilalang mga drug lord sa bansa.

 

Magiging personal din ang laban dahil tila mag-aagaw buhay si Ramon matapos siyang matadtad ng bala ng mortal niyang kaaway na si Rigor.

 

Magiging maaksyon din ang engkwentro sa pagtakas ni Olivia (Chanda Romero) sa mansyon ng mga Montenegro dahil makakaharap niya sina Miguelito at Roberto. Makakaligtas pa kaya si Olivia matapos siyang barilin ni Miguelito?

 

Paano magbabago ang mundo ni Tanggol sa pagsasanib-pwersa ng kanyang mga kaaway para tapusin ang kanyang buhay?

 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 8 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Coco, makakabanggaan sina Maris, John, at Jake sa malaking action scene