News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, panalo ng Stevie® award sa 2025 International Business Awards®

October 13, 2025 AT 09:38 AM

ABS-CBN, tumanggap ng prestihiyosong parangal

Patuloy na kinikilala ang husay ng ABS-CBN sa buong mundo matapos itong magwagi ng Stevie® Award sa ika-22 Annual International Business Awards® (IBA) para sa “Pinoy Media Congress: Training the Teachers.”

Itinalaga para sa mga gurong miyembro ng Philippine Association of Communication Educators (PACE), nagwagi ito sa Conference & Meeting category para sa pagtulong nitong mapalalim ang kaalaman ng mga guro ng komunikasyon sa paggawa ng balita, pelikula, at programa, digital media, marketing, research, at creative communications.

Ang two-day training conference ay nagbigay daan sa halos 100 gurong bumiyahe mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang matuto sa mga eksperto mula sa ABS-CBN kabilang sina Robert Labayen, Kriz Gazmen, Francis Toral, Rondel Lindayag, Henry Quitain, Marizel Samson-Martinez, Carmi Raymundo, Mico del Rosario, Arlene Burgos, Jeff Canoy, Melvin Fetalvero, Jasmin Pallera, Darla Sauler, Alex Balite, Sierra Borlongan, Charina Fernandez, Diorella Agoncillo, at Yvette Tan.

Hango sa “ABS-CBN Pinoy Media Congress,” ang pinakamalaking pagtitipon ng mga mag-aaral, guro, at media professionals sa bansa, nagwagi rin ito ng Philippine Quill Award, na iginagawad ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines, noong Agosto.

Ang IBA o Stevie Awards ay isa sa mga pinakaprestihiyosong award-giving body sa mundo. Nakatanggap ito ng higit 3,800 na nominasyon mula sa iba’t ibang organisasyon mula sa 78 bansa.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin angcorporate.abs-cbn.com/newsroom.

ABS-CBN, panalo ng Stevie® award sa 2025 International Business Awards®