Sustainability practices ng ABS-CBN, kinilala
Nag-uwi ng Bantayog ng Lawa Award, na iginagawad ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), ang ABS-CBN para sa pag recycle nito ng 100% ng tubig na ginagamit nito sa kanilang office compound.
Kinilala ng LLDA ang kumpanya para sa kanilang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtitipid ng tubig at responsableng pamamahala sa basura.
Gamit ang makabagong water recycling system nito, nagagawa ng ABS-CBN na linisin at muling magamit ang bawat patak ng tubig para sa pangangalaga ng mga pasilidad nito.
Pinuri rin ng LLDA ang pagiging pagsunod ng kumpanya sa mga regulasyon ng gobyerno patungkol sa responsableng water discharge at sustainability practices.
Tinanggap nina property management mechanical engineering and environmental managing head Jay de la Cruz at pollution control officer Philip So Morales ang parangal para sa kumpanya.
Ang LLDA ay isang ahensya ng gobyerno na nangunguna at nagtataguyod ng sustainability practices sa rehiyon ng Laguna de Bay para sa susunod na henerasyon.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.