Bagong indie pop-rock band mula sa DNA Music
Ganap nang recording artist ang bandang Off To Aurora na mula sa Cavite matapos nitong ilunsad ang unang single na “Sampung Hakbang.”
“Nasulat ko siya last year after ma-form yung band. Sinulat ko siya para sa isang tao na nag-inspire na magsulat ulit ng mga kanta,” saad ng lead guitarist na si Kyle Faustino sa panayam sa One Music PH.
Ang bagong DNA Music release ay tungkol sa pag-ibig na handang harapin ang mga takot gaano man kalayo ang taong minamahal. Isinulat ito ni Kyle at iprinodyus ni Angelo Zipagan.
“First time namin mag-record ng kanta at challenging siya dahil maraming kailangan palabasin na emotions dahil gusto namin maparating yung message ng song sa listeners,” ani ng bass guitarist na si Benedict Borja.
Bukod kina Kyle at Benedict, binubuo rin ang banda ng mga miyembro na sina Idean (lead vocalist), Kiel (keyboards), Yuri (rhythm), at Patrick (drums). Pinagsasama ng grupo na nagsimula noong Setyembre 2024 ang modern indie at rock sa relatable na pagbabahagi ng kuwento sa musika.
“Galing kami sa iba’t ibang bands and nagkakilala kami through our manager na may project na bumuo ng isang band na may isang sound individually. Doon kami nabuo,” dagdag ni Benedict.
Inilunsad ng banda ang bagong awitin sa isang single launch party na naganap sa Gigmusic Hall sa Tagaytay nitong Sabado (Set. 27).
Napapakinggan ang “Sampung Hakbang” ng Off To Aurora sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang DNA Music PH sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.