Bagong remake sa ilalim ng Star Music
Handa nang magpakilig ang P-pop boy group na Yes My Love sa kanilang rendition ng classic OPM hit na “Don Romantiko.”
Si Vhong Navarro ang unang umawit ng kanta na tungkol sa paniniwala sa tapat na pag-ibig kaysa sa materyal na bagay. Ito ang unang single ng grupo sa ilalim ng Star Music.
Isinulat ni Christian Martinez ang awitin habang mula sa produksyon ni Jeremy G ang remake nito.
Binubuo ang Yes My Love ng mga miyembro na sina Niko, RZ, Joshua, Brian, at Jeff na nag-debut noong 2023. Inilabas nila ang unang single na “Rhythm” na may mahigit 300,000 streams at nakasama sa Spotify P-pop On The Rise playlist.
Nitong nakaraang taon, inilunsad nila ang extended play (EP) na “You, Me, & Love” tampok ang awitin na “Laging Naroon Ka” na umani ng 1.8 milyon streams sa Spotify. Kamakailan ay inilabas nila ang single na “Coffee Date” bilang Valentine’s music offering.
Napapakinggan na ang“Don Romantiko” ng Yes My Love sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.