Nakipag-meet at greet sa LA, San Francisco, at Vancouver!
Pinangunahan nina Belle Mariano at Piolo Pascual ang sunod-sunod na trailer previews at panel discussions tungkol sa inaabangang family drama movie na “Meet, Greet, & Bye” sa North America.
Nakibahagi ang ABS-CBN stars sa usapang pamilya, pagkakakilanlan, at kultura kasama ang next-gen Filipinos sa Vancouver noong Oktubre 19 at Los Angeles noong Okt. 20 sa pamamagitan ng “NextGen and Tastemakers Screening and Panel Discussions.”
Tumungo rin si Belle sa San Francisco para sa makabuluhang kwentuhan tungkol sa inspirasyon ng “Meet, Greet, & Bye” at sa halaga ng Filipino storytelling noong Okt. 22.
Bukod sa private screeners at dialogues, nagkaroon din ng media rounds at interviews sina Belle at Piolo bilang bahagi ng promotion ng latest Star Cinema project.
Nagsilbing guest pa si Belle sa FOX 11 morning news program na “Good Day LA,” kung saan ibinahagi niya ang napapanahong mensahe at relatability ng pelikula na ipapalabas bago ang pagdiriwang ng Thanksgiving sa Amerika.
“I hope that once we watch this movie, we don’t take our loved ones for granted. I hope it brings us closer to one another,” ani Belle.
“It’s a universal story. A family’s love is universal, a mother’s connection to her kids is something everyone can relate to,” dagdag pa ng actress-singer.
Sumailalim din sa panayam sa “Asian Pacific America with Robert Handa” sa NBC Bay Area si Belle kasama ang “Meet, Greet & Bye” film director na si Cathy Garcia-Sampana.
Nagkaroon din ng pagkakataong makisaya si Belle sa “East Meets West” event na pinangunahan ng Asian American creative group na Gold House at FilAm Creatives para sa pagdiriwang ng Filipino-American Heritage Month.
Iikot ang “Meet, Greet & Bye” sa kwento ng pamilya Facundo na may apat na magkakapatid na magsisikap para matupad ang hiling ng kanilang ina na may cancer na makita ang paborito niyang K-drama actor. Bukod kina Belle at Piolo, bida rin sa pelikula sina Joshua Garcia, Juan Karlos, at Maricel Soriano.
Mapapanood na ang pelikula sa mga sinehan sa Pilipinas simula Nob. 12 at sa North America simula Nob. 14. Bisitahin ang meetgreetandbye.com para sa karagdagang detalye tungkol sa pelikula at makapag-reserve ng tickets. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.







