News Releases

English | Tagalog

Ipapalabas na sa iWant ang 'AFAM Wives Club,' isang reality series tungkol sa pag-ibig at makabagong pilipina

October 21, 2025 AT 03:10 PM

Inihahandog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality series na “AFAM Wives Club” tampok dito ang mga totoong kuwento ng mga Filipina sa cross-cultural relationships at kung paano nila natagpuan ang pag-ibig sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at lahi.

Susundan ng serye ang apat na kababaihang Pilipina ng magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pag-ibig, pamilya, at pagtuklas sa sarili. Kabilang sa cast ay sina Mari Fowler na ipapasilip ang kanyang journey tungo sa pagiging ina, Keylyn Trajano, ang kasalukuyang Miss Universal Woman at isang proud transgender Filipina, na patuloy ang pagbibigay inspirasyon sa kanyang tapang at katapatan sa pag-ibig. Julia Chu, isang abogada at negosyante, na magbabahagi kung paano niya binabalanse ang karera at buhay pag-ibig, at si Nathalie Hart na magkukwentong kanyang karanasan bilang single mother at kung paano muling magsisimula sa buhay matapos ang kanyang divorce.

Hindi tulad ng karaniwang reality shows, nakatuon ang ‘AFAM Wives Club’ sa tunay mga kwento at karanasan ng bawat Pilipinang umibig sa ibang lahi. Bawat episode nito ang magpapatunay na ang pag-ibig, sa lahat ng anyo nito, ay mananatiling isang unibersal na kwentong makaka-relate ang lahat.

Pinangungunahan ni JP Habac bilang direktor, Antoinette Jadaone bilang producer, at Rodina Singh bilang showrunner, ipinapakita ng ‘AFAM Wives Club’ ang tibay ng makabagong Filipina: palaban, matapang, at world-class kung magmahal.

Markahan na ang inyong mga kalendaryo dahil magsisimula na ang ‘AFAM Wives Club’ ngayong darating na Nobyembre 11, eksklusibo sa iWant.

 

Mag-subscribe na para mapanood ang mga iWant Originals at iba pa nitong palabas sa halagang ₱35 bawat buwan, o $4.99/month outside the PH (or equivalent currency). Feel every story, anytime, anywhere only on iWant. Download the app and subscribe via Google Play or the Apple App Store or via www.iwanttfc.com

 

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lamang ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Ipapalabas na sa iWant ang 'AFAM Wives Club,' isang reality series tungkol sa pag-ibig at makabagong pilipina