News Releases

English | Tagalog

Muling bubuksan ng "Philippines' Most Shocking Stories" ang mga kwentong yumanig sa bansa sa ikalawang season nito

October 28, 2025 AT 01:57 PM

Sa likod ng bawat headline, may kuwentong hindi pa lubusang naririnig.

Muling nagbabalik ang “Philippines’ Most Shocking Stories” ngayong Oktubre 28 (Martes), at sisimulan nito ang pagtalakay sa nakakakilabot na labing-apat na taong paghahanap kay Ruben Ecleo, ang lider ng isang kulto na minsang yumanig sa bansa.

Matapos magtala ng halos 6-milyong views at mataas na engagement online noong unang season. Muling susuriin ng prorama ang ilan sa mga kuwentong nagpayanig sa bansa, mga krimeng ginawa sa publiko, trahedyang nagpabago ng buhay, at mga misteryong patuloy na bumabagabag kahit makalipas ang ilang dekada.

Tampok ngayong season ang mga kuwento ng makakapangyarihan, pananampalataya, kasikatan, at katarungan kabilang na rin rito ang pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo, ang 2009 Maguindanao Massacre, at ang 1967 Maggie dela Riva rape case.

Pangungunahan nina Lyza Aquino, MJ Felipe, Jeff Caparas, Jessie Cruzat, at Jeff Canoy ang bagong season, bawat isa ay magbabahagi ng kani-kanilang karanasan, pananaw, at malasakit sa mga kuwentong tumatak mga Pilipino.

“Masaya at malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng bagong season na ito,” ani Lyza Aquino. “No’ng una kong marinig na may ganitong proyekto ang ABS-CBN News, ipinagdasal ko talaga na makasama ako. Fan ako ng mga true-crime podcasts, kaya para sa akin, isa itong katuparan ng pangarap.”

Hindi tulad ng tradisyunal na mga ulat sa balita na nakatuon lamang sa mga pangyayari, mas binibigyan ng “Philippines’ Most Shocking Stories” ng pagkakataon ang mga manonood na maunawaan ang mas malalim na konteksto ng mga kaso at istorya.

“Hindi lang namin sinasabi kung ano ang nangyari; tinatalakay din namin kung paano at bakit ito nangyari, pati na ang emosyonal na epekto nito,” dagdag ni Aquino. “Mas mapanuring uri ito ng storytelling. Mas totoo, mas may damdamin, mas may pagninilay.”

Para naman kay Jeff Canoy, ang supervising producer ng programa, ipinagpapatuloy ng ikalawang season ang pagtransform ng ABS-CBN News sa digital journalism.

“Ang mga reporter namin ay muling binubuo ang mga kuwentong maaaring nasubaybayan na ng mga manonood noon, pero ngayon mas nadaragdagan ito ng konteksto, bagong pananaw, at mas malalim na pag-unawa,” ani Canoy.

Huwag palampasin ang pagbabalik ng “Philippines’ Most Shocking Stories Season 2” na mapapanood sa Oktubre 28 sa ABS-CBN News Channel YouTube at iWant.

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa mga pinakabagong balita at update, i-follow lamang ang iWant sa  Facebook, TikTok, X, Instagram, and YouTube.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE