News Releases

English | Tagalog

"Harana: The Sound of Us" album ni Troy Laureta, isinumite sa 2026 Grammys

October 07, 2025 AT 03:48 PM

Naglalaman ng 12 OPM remake para sa global stage

Isinumite ni Troy Laureta ang latest album niyang “Harana: The Sound of Us” sa 2026 GRAMMY Awards sa pagnanais na makunsidera ito bilang opisyal na nominee sa ilalim ng Best Global Music Album category.   

“Harana: The Sound of Us has been submitted for consideration for the 2026 @recordingacademy Best Global Music Album category. Please vote and show support for Original Pilipino Music,” post ng Filipino-American artist sa kanyang social media accounts bilang apila sa GRAMMY voting members na suportahan ang naturang album. 

Ibinahagi niya na itong pagsulong sa album para sa global recognition ay alay niya para sa Filipino music. 

Aniya, “OPM is more than a genre. It is a way of life, a movement. This is for Filipino music. Thank you for your unwavering support of Filipino music and art.”  

Inilabas ni Troy ang kanyang album noong Agosto bilang kolaborasyon ng Star Music label ng ABS-CBN at LuzViMin Entertainment. Naglalaman ito ng 12 OPM favorites na may bagong areglo para sa global audience tampok ang world-class talents na nagbigay rin ng bagong twist sa mga kanta kasama si Troy. 

Kabilang sa mga awitin nito ang “American Kundiman,” “Harana” kasama si Ice Seguerra, “Lemonade” kasama si Jeremy Passion, “Gentlemen Don’t” kasama si Gabe Bondoc, at “Nandito Ako” tampok sina Nicole Scherzinger at Regine Velasquez. 

Ilan pa sa mga kantang bahagi ng album ang “Kailangan Kita” kasama si Pia Toscano, “Without You” kasama si AJ Rafael, “Pangako” tampok sina Jay R at Josefina, “Try” kasama si Melissa Polinar, “Hanggang” kasama si John Saga, “Ang Huling El Bimbo” kasama si Morissette, at “Usahay” na tampok din ang musika nina Justin Klunk at Weishan Chang. 

Hanggang Okt. 15 ang unang round ng voting para sa 2026 GRAMMYs. Bisitahin ang https://www.grammy.com/news/how-to-vote-2026-grammys-voting-guide para sa detalye.

Patuloy na pakinggan ang “Harana: The Sound of Us” album ni Troy na available sa music streaming platforms worldwide. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE