News Releases

English | Tagalog

"What Lies Beneath," nagpasalamat sa manonood sa bagong all-time high record

October 28, 2025 AT 02:44 PM

Sikreto nina Sue at Janella, unti-unti nang nalalaman…

Taos-pusong nagpasalamat sa manonood ang “What Lies Beneath” matapos itong makapagtala ng bagong all-time high viewership record na 530,015 peak concurrent viewers sa episode nito noong Lunes (Oktubre 27) nang abangan ng mga ito ang mga sikreto sa buhay ng Mabels. 

Bukod sa mataas na viewership record, nananatili rin ito bilang most-watched series sa Netflix Philippines at patuloy din itong trending sa social media.

Sa naturang episode, sinubaybayan ng manonood ang totoong rason sa likod ng mag-asawang sina Mel (Sue Ramirez) at Anton (Jameson Blake). Nalaman ng viewers na nabaligtad si Mel at ang tunay na nananakit ay si Anton. Gusto man hiwalayan ni Mel ang asawa ay binantaan siya nito na mawawala sa kanya ang kanyang nabuong karera kapag tinuloy niya ang balak na makipag-divorce.

Sa kabilang banda, napilit ni Beth (Charlie Dizon) si Alice (Janella Salvador) na sabihin ang tunay na rason kung bakit siya aligaga at sobrang takot sa security ng anak. Pag-amin ni Alice na nakipaghiwalay na siya sa asawa at gusto lang niyang makasigurado na hindi makukuha nito ang anak niya.

Abangan ang mga exciting na eksena sa “What Lies Beneath” tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWant.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"What Lies Beneath," nagpasalamat sa manonood sa bagong all-time high record