News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, nag-uwi ng 17 parangal sa 6th Alta Media Icon Awards

October 22, 2025 AT 01:23 PM

“It’s Showtime” at Luis Manzano, pasok sa Hall of Fame!

Nakasungkit ng 17 parangal ang ABS-CBN sa 6th ALTA Media Icon Awards, kabilang ang dalawang Hall of Fame distinctions at bigating mga karangalan sa telebisyon, pelikula, at musika kamakailan.

Pasok ang “It’s Showtime” sa Hall of Fame matapos nitong manalo bilang Best Noontime Variety Show sa loob ng limang magkakasunod na taon. Ang mga hosts nitong sina Anne Curtis-Smith at Kulot Kaponpon ay kinilala rin bilang Most Influential Female TV Personality at Best Child Performer for TV.

Kasama rin sa Hall of Fame ang batiking host na si Luis Manzano na nagwagi bilang Best Game Show Host para sa “Rainbow Rumble.”

Patuloy namang kinikilala ang blockbuster movie na “Hello, Love, Again,” na tinanghal bilang Movie of the Year, habang sina Alden Richards at Kathryn Bernardo naman ay pinarangalan bilang Best Actor at Best Actress for Film.

Ang patok na action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” ay pinarangalan bilang Best Primetime Drama Series, habang ang bida nitong si Primetime King Coco Martin ay pinangalanang Most Influential Male TV Personality.

Samantala, si Jodi Sta. Maria ay hinirang na Best Actress for TV para sa kanyang husay sa “Lavender Fields,” habang ang “Magandang Buhay” ay kinilalang Best Celebrity Talk Show.

Naiuwi ng tambalan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan ang Best Love Team para sa kanilang nakakakilig na chemistry, habang kinilala naman si Robi Domingo bilang Best Talent Competition Host para sa kanyang husay sa “The Voice Teens (Season 3).”

Sa larangan ng musika, ang nation’s girl group na BINI ang nagwagi ng Best P-pop Group award, habang nasungkit naman ni Maki ang Best Male Recording Artist.

Sa news and current affairs, pinangalanang Best Male News Personality ang batikang mamahayag na si Kabayan Noli de Castro para sa “TV Patrol,” habang itinanghal naman si Bernadette Sembrano na Best Magazine Show Host para sa “Tao Po.”

Ang ALTA Media Icon Awards, na inorganisa ng University of Perpetual Help System DALTA – Department of Communication, ay kinikilala ang mga huwaran sa industriya at nagbibigay-pugay sa mga personalidad at organisasyon na nagsisilbing mabuting impluwensiya sa kabataan at bansa.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.