News Releases

English | Tagalog

Bryan Chong, handa sa bagong journey sa debut album na "Departure"

October 15, 2025 AT 01:35 PM

Key track na “MLNDE!,” tungkol sa mga aral niya sa pag-ibig

Pagbubukas ng bagong yugto sa buhay ang ibinahagi ng Kapamilya singer na si Bryan Chong sa kanyang debut album na “Departure.”

Mula sa komposisyon ng dating “Idol Philippines” season 2 finalist ang lahat ng awitin sa album tulad ng “Isang Gabi,” “MLNDE!,” “Hindi Tayo,” “Tahan,” “Sugal,” at ang naunang singles na “Ereplano” at “K*pal.” Iprinodyus ang album ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Binalikan ni Bryan sa key track na “MLNDE!” ang naging karanasan niya sa pag-ibig kung saan inamin niya ang mga naging pagkukulang at mga aral na natutunan niya. 

Unang pumasok sa mundo ng musika si Bryan noong 2017 bilang kalahok sa unang season ng “The Voice Teens Philippines” kung saan naging coach niya si Sarah Geronimo. Makalipas ang limang taon, muling bumalik si Bryan at sumabak sa “Idol Philippines” season 2, kung saan siya ay nagtapos bilang isa sa top 5 finalists ng kompetisyon.

Noong 2019, inilabas niya ang kanyang unang single na “Pakiusap,” na nagbigay sa kanya ng nominasyon sa 12th PMPC Star Awards for Music para sa Male Acoustic Artist of the Year at New Male Recording Artist of the Year.

Napanood siya kamakailan bilang guest performer sa “BGYO NOW: The First Solo Concert” at “The Big Night” concert ni Klarisse de Guzman kung saan inawit niya ang “Ereplano.”

Napapakinggan ang “Departure” album ni Bryan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE