News Releases

English | Tagalog

Coco, sumabak sa bagong action stunts para kay Christopher sa "FPJ's Batang Quiapo"

October 29, 2025 AT 01:59 PM

Coco at Christopher, naglambitin sa gusali

Nagpakita ng panibagong buwis-buhay na action stunts si Coco Martin sa Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” para iligtas ang karakter ni Christopher De Leon na nasa bingit ng kamatayan.

Isa sa mga tinampok sa maaksyong eksena ang paglambitin nina Coco at Christopher sa isang mataas na gusali habang nakatali sa kadena at nakikipagbarilan.

“‘Yung challenge namin dito is how to come up with a new setup na magiging exciting para sa mga audience. Ang challenging dito more than the action scenes mismo is the execution ng stunts,” kwento ng isa sa mga direktor ng serye na si Richard Somes sa behind-the-scenes video na inilabas ng CCM Film Productions.

Sa kasalukuyang takbo ng kwento, nagtagumpay si Tanggol (Coco) sa pagligtas sa ama niyang si Ramon (Christopher) matapos itong dukutin ng grupong Red Phoenix. Sa kabila ng patibong ng kalaban, mag-isang napatumba ni Tanggol ang sangkatutak na armadong lalaki bago dumating ang tropa upang tulungan sila sa pagtakas. 

Matapos ang matinding balakid sa kanilang buhay, pinaplano na nina Tanggol at Ramon ang pagkamit ng hustisya. Sa ngayon, uunahin nila ang paghihiganti laban sa mortal nilang kaaway na si Divina (Rosanna Roces) at ang makapangyarihang pamilya Guerrero.

Samantala, maniningil na rin ng katarungan si Ponggay (Maris Racal) sa nagbabadyang paghaharap nila ni Rockyboy (Baron Geisler), ang tao sa likod ng karumaldumal na pang-aabuso kay Dimples (Criza Taa) na ngayon ay nag-aagaw buhay sa ospital. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE