News Releases

English | Tagalog

“Romance Reboot” nina Emilio at Kaori, number one movie sa iWant

October 22, 2025 AT 02:36 PM

Tampok ang pag-ibig at pangarap ng kabataang Pinoy sa abroad kasama si Shanaia Gomez

Nangunguna sa iWant ang pinakabagong iWant Original movie drama na “Romance Reboot” nina rising Kapamilya stars Emilio Daez at Kaori Oinuma na unang ipinalabas nitong Oktubre 17 (Biyernes).

Bida sa pelikula, bukod sa sweet at kilig moments ng tambalan, ang kwento ng magkasintahang humaharap sa mga pagsubok sa kanilang relasyon habang nagsusumikap tuparin ang kanilang mga pangarap sa abroad.

Kinunan sa Sydney, Australia, tampok dito si Emilio bilang Enzo, isang photographer na mula sa mayamang pamilya ngunit hirap makahanap ng trabaho, at si Kaori bilang Kai, isang masipag at determinadong raketera na nagsisikap para sa mas magandang kinabukasan.

Masusubok ang kanilang relasyon sa pagdating ni McKenna, isang mala-taong AI doll na ginagampanan ni Kapamilya singer-actress Shanaia Gomez, na gugulo sa kanilang samahan at magiging mitsa ng pagseselos ni Kai (Kaori).

Sa direksyon ni Jules Katanyag at panulat nina Erwin Blanco at Trisha Mae Delez, tampok sa pelikula ang laban ng kabataang Pinoy para sa pangarap at pag-ibig habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Tuklasin ang tadhana ng pag-iibigan nina Enzo (Emilio) at Kai (Kaori) kasama si McKenna (Shanaia) sa “Romance Reboot” na eksklusibong mapapanood ang sa iWant.

Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).

I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.

Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE