Tampok ang bagong kabanata hatid ang bagong kilig moments ng pamatay na kwento ng taon
Muling titibok ang puso ni Jaja (Fyang Smith) sa bagong karakter na si Macmac (JM Ibarra) na tila pinagbiyak na bunga ng multong si Wilberto sa “Ghosting” Part 2 na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Nobyembre 1 (Sabado).
Bagong kilig moments ang hatid ng part 2 ng pamatay na kwento ng taon tampok ang mga bagong karakter sa buhay ni Jaja sa pagpasok ni Macmac sa eksena na yayanig sa pagmamahalan nila ni Wilberto.
Bibida sa panibagong yugto ng kwento ang buhay ni Jaja matapos maka-graduate sa kolehiyo at ngayon ay nagmamay-ari na ng isang coffee shop kasama ang girlypop niyang bestie na si Emma (Vivoree) at mabait na apo ni Wilberto na si Bert (Zach Guerrero).
Masusubok ang lover girl era ni Jaja sa gwapo, charming, at hopeless romantic photographer na si Macmac. Kasama rin sa riot na kulitan sa pagitan ng pag-iibigan na hindi inaasahan ang mapagmahal na tatay ni Macmac na si Kiko (Benjie Paras) at kwela niyang ninong na si Badong (Hyubs Azarcon).
Hindi rin pahuhuli ang sassy at fun beki na all around barista sa coffee shop ni Jaja na si Yujie (Milo Elmido, Jr.) at ang mala-anghel na budolera na si Marla (Kei Kurosawa).
Alamin kung pag-ibig ng buhay o pag-ibig sa kabilang buhay ang pipiliin ni Jaja sa “Ghosting” part 2 na eksklusibong mapapanood ngayong Nobyembre 1 (Sabado) sa iWant.
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.





