Kathryn, Kim, Vice Ganda, wagi ng bigating parangal
Nagkamit ng 14 parangal ang ABS-CBN para sa mga namumukod-tangi nitong programa at personalidad sa ika-9 na RAWR Awards ng LionhearTV.
Ang “A Very Good Girl” ng ABS-CBN Films ay kinilalang Movie of the Year, habang ang bida nitong si box-office queen Kathryn Bernardo ay tinanggap ang Favorite Bida na parangal.
Ang mystery-drama na “Dirty Linen” ay itinanghal na Bet na Bet na Teleserye, habang ang iWant original mystery-thriller series na “Fractured” ay pinangalanang Digital Series of the Year.
Wagi rin si Kim Chiu ng Actress of the Year para sa kanyang kahanga-hangang pagganap bilang Juliana Lualhati sa “Linlang.” Samantala, pinangalanan si McCoy de Leon bilang Favorite Kontrabida para sa kanyang husay bilang David Dimaguiba sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”
Naiuwi naman ni Unkabogable Vice Ganda ang Favorite TV Host para sa “Everybody Sing” at ang LGBTQIA+ Influencer of the Year na mga parangal.
Nagwagi rin si Francine Diaz bilang Vlogger of the Year (Long Form), habang itinalagang Vlogger of the Year (Short Form) naman si Esnyr Ranollo.
Panalo rin sina Alexa Ilacad at KD Estrada ng Love Team of the Year, pati na rin ang kanilang supporters na KDLex Sweethearts ng Fan Club of the Year.
Kinilala rin si Jennica Garcia bilang Beshie ng Taon.
Ang batikang broadcast journalist na si Bernadette Sembrano ay kinilalang Female News Personality of the Year para sa “TV Patrol.”
Ang LionhearTV ay isa sa mga nangungunang entertainment websites sa bansa. Ang RAWR Awards nito ay kumikilala sa mga huwaran sa industriya, kung saan ang mga nagwagi ay hango sa resulta ng botohan ng mga fans, miyembro ng press, at PR personalities.
Para sa karagdagang impormasyon at updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

