News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, wagi ng national awards sa 2025 Asian Academy Creative Awards

October 02, 2025 AT 12:49 PM

Ang mga nagwagi ay irerepresenta ang Pilipinas sa Grand Awards sa Singapore

Patuloy na kinikilala ang husay ng ABS-CBN sa buong mundo matapos itong magwagi ng apat na bigating national awards sa 2025 Asian Academy Creative Awards kung saan ang mga nagwagi ay irerepresenta ang bansa sa darating na Grand Awards sa Disyembre.

Ang action series na “Incognito,” na pinagbidahan nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla, ay binansagang Best Drama Series.

Ang heavy drama na “Saving Grace” nina Julia Montes, Sharon Cuneta, at Zia Grace ay pinarangalang Best Adaptation of an Existing Format (scripted).

Wagi rin ang nakakakilig na serye ng DonBelle na “How to Spot a Red Flag,” mula sa ABS-CBN at Viu, ng Best Original Production by a Streamer (fiction).

Samantala, naiuwi rin ng “Maalaala Mo Kaya: Maguad Family Story,” na inilahad ang trahedya ng magkakapatid na Maguad, ng Best Single Drama, Telemovie, or Anthology Episode.

Ang Asian Academy Creative Awards ay kumikilala sa mga huwarang palabas at media productions sa rehiyon.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.