News Releases

English | Tagalog

Coco, sinorpresa ang mga Kapamilya sa Malabon

October 16, 2025 AT 10:09 AM

Coco, personal na nagpasalamat sa sumusuporta sa “FPJ’s Batang Quiapo”

Personal na sumugod si Primetime King Coco Martin sa Tonsuya, Malabon para taos-pusong magpasalamat at maghatid ng saya sa masusugid na manonood ng Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Kasama ang ilan sa kanyang co-stars sa serye, sinorpresa ni Coco ang 65-anyos na si Albino Alcoy na tatlong taon nang tumututok sa “FPJ’s Batang Quiapo” gabi-gabi. Namigay din si Coco ng ilang regalo bilang bahagi ng “Katok Bahay” program ng serye.

“Finally ako naman ang pumunta sa kanilang mga tahanan para makapagpalasamat sa kanila ng personal at mayakap sila. Kasi sobra-sobrang biyaya ang ibinigay nila sa amin,” sabi ni Coco sa isang interview sa “TV Patrol.”

Ibinahagi rin ni Coco na malapit sa puso niya ang Tonsuya dahil dito nila kinunan ang ilan sa mga unang eksena ng “FPJ’s Batang Quiapo” na ngayon ay nasa ikatlong taon na. 

Nagpaulan din ng pagmamahal si Coco sa iba pang mga residente na naka-bonding din niya sa kanyang pagbisita.

Patuloy na bibisitahin ni Coco at ang “FPJ’s Batang Quiapo” team ang iba pang mga lugar sa Pilipinas bilang bahagi ng “Katok Bahay” para pasalamatan ang mga Kapamilya na walang sawang sumusuporta sa programa. 

Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE