News Releases

English | Tagalog

Gerald leads scamming syndicate in “Sins of the Father”

October 23, 2025 AT 10:00 AM

Matinding bakbakan sa human sabong, umani ng 227K concurrent views

Nakatakda nang pasukin at pamunuan ni Gerald Anderson ang scam hubs upang ibunyag ang ilegal na operasyon nito sa action-drama primetime serye ng ABS-CBN at nangungunang series sa iWant na “Sins of the Father.”

Matapos magtagumpay sa matinding bakbakan nila ni Jacob (JC) sa human sabong na umani ng 227,973 concurrent views, nalaman na ni Samuel (Gerald) ang katotohanan na si Gen. Diego Ramirez (Tirso Cruz III) ang lider ng Bakunawa group. Tinanggap naman ni Samuel ang alok ni Diego na maging bagong pinuno ng grupo.

Sunod-sunod din ang sikretong nabubunyag sa panig ni Leah (Shaina Magdayao) matapos niya malaman na kapatid niya si Johnny (RK Bagatsing). Tuloy na ang plano niya na kunin ang kustodiya ng mga anak niya at mailayo sila kina Samuel at Jacob.

Pumasok naman si Agnes (Jessy Mendiola) bilang sekretarya ni Gen. Ramirez para makakuha ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang ama.

Samantala, mas lalong nag-iingat sina Arissa (Francine Diaz) at Enzo (Seth Fedelin) na ilihim ang pagkamatay ni Rainier (River Joseph) mula kay Luke (Jeremiah Lisbo).

Huwag palampasin ang maaksyong kwento ng “Sins of the Father” na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC gabi-gabi, 9:30pm.Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Gerald leads scamming syndicate in “Sins of the Father”