News Releases

English | Tagalog

Muling nagbabalik si Gus Abelgas sa makabagong "SOCO:Scene of the crime operatives" eksklusibo lamang sa iWant

October 23, 2025 AT 01:30 PM

Totoong Krimen. Totoong Kwento. Totoong Katarungan.

Muling mapapanood ang kilalang investigative program na “SOCO: Scene of the Crime Operatives” sa isang mas kapanapanabik at makabagong format na nagpapatuloy pa rin sa layuning ilantad ang katotohanan sa likod ng mga krimen na yumanig sa mga tahanan ng mga Pilipino.

Nagbabalik si Gus Abelgas sa ABS-CBN upang ipahayag ang makabagong bersyon ng “SOCO: Scene of the Crime Operatives” at dadagdagan pa ito ng mga bihasa at mapagkakatiwalaang reporters na sina Zyann Ambrosio, Dennis Datu, Jeff Caparas, Lyza Aquino, at Jessie Cruzat. Bawat isa sa kanila ay magbabahagi ng sarili nilang mga karanasan at kaalaman tungkol sa mga cases na personal nilang cinover at sinubaybayan.

Bawat episode ay maghahatid ng mga kwentong krimen sa pamamagitan ng mga reenactment, eksklusibong panayam, at mahahalagang ebidensyang maglalapit sa mga manonood sa paghahanap ng katarungan. Bilang bagong bahagi ng programa, tampok din ang mga autopsy finding, testimonya ng mga saksi, at panayam sa mga imbestigador at forensic experts upang mas mailapit sa mga manonood ang bawat detalye ng imbestigasyon at maihantong ito sa hustisya.

Mula noon hanggang ngayon, nananatiling makapangyarihang plataporma ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” hindi lamang sa pagbubunyag ng mga krimen, kundi sa pagpupugay sa katatagan ng mga biktima at pamilya nila, pati na sa dedikasyon ng mga alagad ng batas at mamamahayag sa paghahatid ng hustisya.

Sa bagong format nito, patuloy nitong ilalarawan na ang katotohanan sa likod ng bawat krimen, gaano man katagal, ay laging maibubunyag.

Panoorin ang “SOCO:Scene of the Crime Operatives” ngayong darating na Oktubre 24 eksklusibo lamang sa iWant.

Mag-subscribe na para mapanood ang mga iWant Originals at iba pa nitong palabas sa halagang ₱35 bawat buwan. Feel every story, anytime, anywhere only on iWant. Download the app and subscribe via Google Play or the Apple App Store or via www.iwanttfc.com

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lamang ang iWant sa Facebook, TikTok, X (Twitter) o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE