News Releases

English | Tagalog

Janella,Sue, Kaila, at Charlie, bids sa pinakabagong suspense thriller ng ABS-CBN na "What Lies Beneath"

October 16, 2025 AT 11:34 AM

Hindi dapat palampasin ang pinakabagong kapana-panabik na suspense thriller serye na handog ng ABS-CBN Studios na “What Lies Beneath”, tungkol sa kwento ng pagkakaibigan, pagtataksil, at lihim tampok sina Janella Salvador, Sue Ramirez, Kaila Estrada, at Charlie Dizon.

Iikot ang storya kina Alice (Janella), Mel (Sue), Erica (Kaila), at Beth (Charlie) — apat na babaeng nabago ang buhay dahil sa isang kasinungalingan at desisyong ginawa nila sa nakaraan. Ngayong unti-unting lumalabas ang katotohanan, panoorin kung paano nito susubukin ang tiwala sa isa’t isa at ang pagsasamahan na kanilang nabuo. 

Sa nakaraang media launch , ibinahagi nina creative producer Arah Badayos at head writer Benson Logronio kung paano tinatalakay ng serye ang masalimuot na konsepto ng injustice.

“Makikita sa trailer na may nagawang injustice,” ani Arah. “Pero ipapakita rin na hindi ito basta-basta — ‘yung mga taong gumawa ng injustice ay biktima rin ng injustice sa sarili nilang paraan.”

Ibinahagi naman nina Janella, Sue, Kaila, at Charlie ang mga hamon sa pagganap sa  kanilang mga karakter na kinakailangang maging matatag sa gitna ng takot at mga lihim na patuloy na bumabalik para sila’y singilin.

Kasama rin sa cast sina Jake Cuenca at JM de Guzman, na lubos ang pasasalamat  sa pagkakataong gumanap sa mga karakter na malayo sa mga ibang proyektong kanilang nagawa. Makakasama rin sa serye sina Yves Flores, Race Matthias, at Jameson Blake at idederehe nina Froy Allan Leonardo at Dado Lumibao.

Mapapanood ang “What Lies Beneath” sa Netflix simula Oktubre 17 (Biyernes), sa iWant sa Oktubre 18 (Sabado), at sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 sa Oktubre 20 (Lunes).

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Janella,Sue, Kaila, at Charlie, bids sa pinakabagong suspense thriller ng ABS-CBN na "What Lies Beneath"