Tampok ang nakaaantig na kwento ng pagmamahal para sa pamilya
Isang tagos-pusong kwento ng pamilya na puno ng pagmamahal ang nakatakdang pumukaw ng damdamin sa “Meet, Greet & Bye,” ang bagong pelikula na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, Juan Karlos, at Maricel Soriano.
Mapapanood na simula Nobyembre 12 sa mga sinehan worldwide ang pelikula na pinangungunahan ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana.
Iikot ang “Meet, Greet & Bye” sa kwento ng pamilya Facundo sa pangunguna ni Mama Baby (Maricel) na tatamaan muli ng sakit na cancer ngunit magdedesisyong huwag nang magpa-chemotherapy sa paniniwalang wala na siyang pag-asa na gumaling pa.
Susubukin naman ng apat niyang anak na sina Tupe (Piolo), (Brad) Joshua, (Leo) Juan Karlos, at Geri (Belle) na maghanap ng alternative treatment para sa kanilang ina bago maubos ang oras. Malampasan kaya ng pamilya nila ang pagsubok na ito?
Inilabas na ang trailer ng pelikula nitong Miyerkules (Oktubre 8) na naglalaman ng mga nakakatuwa at nakakaantig na tagpo ng pamilya Facundo na inaasahang mamahalin ng mga manonood.
“Talagang pinagmamalaki namin ang pelikulang ginawa namin para po sa inyo na handog ng Star Cinema at ABS-CBN. Sana panoorin nyo, hinding-hindi kayo magsisisi,” ani Maricel sa ginanap na media conference ng pelikula.
“Sana yung mensahe umabot sa manonood natin. It will give so much importance to the people you love in your life,” diin ni Belle.
Samantala, inilahad naman nina Piolo at Juan Karlos na masakit sa puso ang kwento ng pelikula lalo na para sa mga pamilyang Pilipino.
“It was really hard to do because, I don’t wanna say personally, but it hits close to home, especially for Filipino families, and it’s something we have to face inevitably no matter who we lose as long as he’s part of the family,” sabi ni Piolo.
“Especially with what I personally went through in life, it’s also way too close,” dagdag ni Juan Karlos.
Ayon sa writers ng “Meet, Greet & Bye” na sina Jumbo Albano at Patrick Valencia, inspired ang pelikula sa universal fear ng mga anak na mawala ang isang magulang.
“What really pushed us to tell this story is that this is our love letter to our parents, the same way kung paano siya naging love letter din ni Direk [Cathy] sa kanyang mga anak,” paliwanag ni Jumbo.
“It’s a universal fear for everyone to lose yung mahal nila sa buhay so yun ang naging focus namin while writing this story na sana maraming tao ang maka-relate. Gusto naming ikwento ‘to kasi kwento natin itong lahat,” ani Patrick.
Inilunsad na rin ang official poster ng pelikula noong Sabado kasabay ng pailaw ng mga letrang MGB sa ELJ building ng ABS-CBN mula sa titulo nito.
Bisitahin ang meetgreetandbye.com para sa karagdagang detalye tungkol sa pelikula at makapag-reserve ng tickets. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.