
Muling magbabalik sa panibagong season ang hit ABS-CBN Studios talent reality competition na “Your Face Sounds Familiar” tampok ang tatlong nagbabalik na musical icons ng bansa bilang jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta at ang panibagong hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.
Walang humpay na kasiyahan ang dala sa primetime nina Vhong at Jhong. May pressure man silang nararamdaman, sinisigurado nilang mapapantayan ito ng saya at katatawanan tuwing Sabado at Linggo. Ayon kay Jhong, “Ramdam namin ang pressure, pero nagpapasalamat kami sa ABS-CBN sa tiwala. Ang layunin namin ay maghatid ng saya sa lahat.”
Pasabog na transformations at performances ng local at international singers ang dapat abangan sa walong performers na sina Akira Morishita, Alexa Ilacad, Dia Mate, Jarlo Base, Jason Dy, JM Dela Cerna at Marielle Montellano, Pepe Herrera, at Rufa Mae Quinto.
Magsisilbi naman gabay sa walong performers ang mentors na sina Nyoy Volante at Klarisse De Guzman.
Tuloy-tuloy din ang kasiyahan sa online show hatid ng online hosts na sila AC Soriano, Krystal Brimner, at Vivoree Esclito.
Huwag palampasin ang premiere ng “Your Face Sounds Familiar” simula Oktubre 4 (Sabado),7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Mapapanood din ito sa TV5 tuwing Sabado ng 8:15PM at Linggo ng 8:30PM.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

