Patuloy ang pagpapasiklab ng “ASAP” sa ika-30 anibersaryo nila sa part 2 ng “ASAP in Vancouver,” tampok ang bonggang performances nina Kim Chiu, Paulo Avelino, Joshua Garcia, Belle Mariano, at Klarisse De Guzman ngayong Linggo (Nov. 2).
Ihanda na ang mga puso sa hatid na pasabog na version ng KimPau ng “Bakit Di Totohanin.”
Unang beses din mapapakinggan ng viewers ang pagkanta ng Nation’s Mowm na si Klarisse ng themesong ng “The Alibi” na “Dito Ka Lang Wag Kang Lalayo.”
Kaabang-abang din ang Kapamilya leading men number na pangungunahan ni Joshua Garcia kasama sina Jarren Garcia, JM Ibarra,Seth Fedelin, KD Estrada, Inigo Pascual, at Darren.
Hindi rin magpapahuli si Belle Mariano, na pangungunahan ng pangmalakasang global Pinoy dance number kasama sina Alexa Ilacad,Loisa Andalio, Josh Candy, Jon Ray Dy Buco, Carlos Guinto, Northside dancers, Illustrative Society Dancers, at Soñador Activity Dancers.
Magbibigay saya rin ang bonggang dance act nina Kim Chiu, Teacher Georcelle, Shaina Magdayao, Enchong Dee, G-Force, at G-Force students.
Tutukan ang pagkanta nina David Pomeranz, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid ng hit timeless ballads. Kilig overload din ang hatid new gen love teams na sina KD at Alexa, JM at Fyang Smith, at Seth at Francine Diaz kasama si Jolina Magdangal.
Humandang mapaindak sa sayawang hatid ng all-time favorite duo na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Huwag naman papalampasin ang todo-bigay na kantahan ng nag-iisang Anne Curtis.
Huwag palampasin ang makasaysayang selebrasyon ng 30 taon ng Filipino pride at music sa “ASAP in Vancouver Part 2,” ngayong Linggo (Nobyembre 2), 12 NN, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z, iWantTFC, at TFC worldwide.
Para sa mga updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom


