News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel, wagi ng national award sa Asian Academy Creative Awards 2025

October 03, 2025 AT 02:56 PM

“Ready, Set, Read!” ibabandera ang galing ng Pinoy sa Grand Awards sa Singapore ngayong Disyembre

Wagi ang educational TV series ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na “Ready, Set, Read!” sa kategoryang Best Children’s Program ng Asian Academy Creative Awards (AACA) 2025.

Ibabandera ng “Ready, Set, Read!” ang husay ng mga Pilipino sa paggawa ng educational shows sa Grand Awards sa Singapore sa darating na December 4, tampok ang layunin nitong turuan ang mga bata na makapagbasa at mas maunawaan ang wikang Ingles.

Bida sa serye ang kwento ng batang karakter na si Joji, at ang kaniyang mga kaibigang hayop na sina Cathy, Ogot, Marj, at Nene, sa kanilang masayang paglalakbay para makapagbasa sa pamamagitan ng nakaaaliw na mga kanta, sayaw, at tula.

Nakamit na rin ng programa sa mga nakaraang taon ang iba’t ibang parangal tulad ng Anak TV Seal (2023), Special Citation for Best Children and Youth Program sa 44th Catholic Mass Media Awards, KBP Golden Dove finalist citation, at Outstanding CSR Project award mula sa League of Corporate Foundations (2022).

Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.

Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE