Pinakabagong girl group mula sa ABS-CBN
Opisyal nang ipinakilala ng ABS-CBN ang bagong P-pop girl group na DNA matapos nitong ilunsad ang unang single na “Don’t Ask Me Why” sa ilalim ng StarPop.
Binubuo ang grupo ng mga miyembro na sina Tasha, Julia, at Ezri, na anak ng batikang composer at musical director na si Raul Mitra at singer na si Cacai Velasquez-Mitra. Hinikayat sila ng kanilang tita na si Regine Velasquez-Alcasid na bumuo ng isang grupo dahil sa shared passion nila para sa sining at musika.
“Even from a young age we liked performing. We did theater workshops and we watched a lot of ‘America’s Next Top Model’ so we had fashion shows and they would take pictures of us,” sabi ni Julia sa video na napapanood sa Star Magic YouTube channel.
“That was also around the time of Wonder Girls and their song ‘Nobody’ was really popular. That one we used to dance to in front of the TV. It was second generation K-pop that we were so inspired by,” dagdag ni Ezri.
Sa kabila ng kanilang sisterly bond, hindi naging madali para sa DNA na makuha ang kanilang rhythm bilang grupo.
“The process to get to being comfortable doing it together was a very, very long one. There were a lot of tears, a lot of arguments,” saad ni Tasha.
Mula sa orihinal na komposisyon ni Ezri ang kanilang single na “Don’t Ask Me Why” na tungkol sa pagkakaroon ng kumpyansa at pagiging totoo sa sarili sa gitna ng mga opinyon ng iba’t ibang tao. Iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative, content, and operations head Jonathan Manalo.
Pumirma sina Tasha, Julia, at Ezri ng management contract sa Star Magic noong Hulyo at unang ipinakilala bilang Mitra sisters.
Bago ang kanilang debut, ipinamalas nila ang talento at husay bilang guest performers sa “SUPERDIVAS” concert nina Regine at Vice Ganda. Nakapagtanghal na rin sila sa Sunday noontime variety show na “ASAP.”
Napapakinggan ang “Don’t Ask Me Why” ng DNA sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, bisitahin ang dnaofficial.ph.
Para sa updates, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok.