News Releases

English | Tagalog

Shawn Crab, may mixed signals sa mga awiting "Ang Labo" at "Tago"

October 24, 2025 AT 09:15 AM

Taguan ng feelings, dinaan sa awitin

Relatable struggles tungkol sa pag-ibig ang ibinida ng baguhang singer-songwriter na si Shawn Crab sa mga bagong awitin na “Tago” at “Ang Labo.”

Pagsisimula ng damdamin ang hatid na kwento ng “Tago” kung saan nagtatalo ang kagustuhan at takot na umamin sa taong iniibig habang “Ang Labo” ay tungkol sa nakakalitong mixed signals sa isang relasyon.

Mula sa orihinal na komposisyon ni Shawn ang mga bagong awitin habang iprinodyus naman ito ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Noong Pebrero, inilunsad ng Kapamilya artist ang “Love Has Come My Way” na naging unang single niya sa ilalim ng StarPop.

Nag-migrate sa Pilipinas si Shawn mula sa San Francisco sa Amerika upang tuparin ang pangarap niya pasukin ang mundo ng musika. Natutunan niya tumugtog ng piano sa edad na 10 at nakapagsulat siya ng mga kanta sa edad na 11. Ilan sa musical influences niya ay ang international artists na sina Billie Eilish, Frank Ocean, at Clairo.

Available ang “Tago” at “Ang Labo” sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE