News Releases

English | Tagalog

Miss Universe 2025,mapapanood sa iba't ibang platforms ng ABS-CBN

October 04, 2025 AT 09:55 AM

Handa na ba kayo tutukan ang pinaka-magandang araw sa buong universe?

Markahan na ang mga kalendaryo at panoorin ang 74th Miss Universe live mula sa Bangkok Thailand sa iba’t ibang ABS-CBN platforms ngayong Nobyembre 21 (Biyernes), 9 AM sa Kapamilya Channel, A2Z, Metro Channel, at iWant.

Sama-sama nating suportahan ang ating pambato na si Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo sa kanyang pagtaas ng bandera ng bansa. Hindi nga dapat palampasin ng Pilipino ang pagrampa ni Ahtisa sa buong mundo lalo pa at hindi naman siya baguhan sa pagsabak sa international stage sa kanyang naging experience bilang Miss International 2018.

Ngunit bago ang coronation night, panoorin din si Ahtisa sa Swimsuit Runway Show sa Nobyembre 15 (Sabado), 8 PM sa Metro Channel, ANC, at iWant, at  sa Kapamilya Channel sa Nobyembre 16, 9:30 PM.

Makuha kaya pabalik ni Ahtisa ang titulo bilang Miss Universe 2025?  Huwag na palampasin ang historic moment ngayong Nobyembre 21 (Biyernes), 9 AM sa Kapamilya Channel, A2Z, Metro Channel, at iWant.

Para sa karagdagang updates at behind-the-scenes moments, i-follow lang ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Miss Universe 2025,mapapanood sa iba't ibang platforms ng ABS-CBN