Isang lihim ang magwawasak sa pamana ng isang pamilya
Isang bagong tambalan ang mapapanood sa iWant ngayong dahil sa unang pagkakataon, ay magtatambal sina Dylan Yturralde at Vivoree Esclito sa pinakabagong microdrama series na “Shadow CEO.”
Umiikot ang kwento nito sa isang tagapagmanang magpapanggap bilang ordinaryong empleyado upang tuklasin ang katotohanan sa likod ng isang korporasyong pinangungunahan ng kanyang pamilya.
Gagampanan ni Dylan Yturralde si Jerome Del Rosario, ang tagapagmana na magkukunwating janitor sa kanilang construction company upang imbestigahan ang korapsyong bumabalot dito.
Sa kanyang paglilihim, makikilala niya si Lea Ramos (Vivoree Esclito), isang architecture intern na punong-puno ng ambisyon, determinasyon at ang magiging katuwang niya sa pagtuklas ng mga lihim na maaaring sumira sa reputasyon ng kanyang pamilya.
Habang mas lumalalim ang kanilang imbestigasyon, mabubunyag ang mga pagtataksil, kasinungalingan, at mga desisyong susubok kay Jerome sa pagitan ng kanyang pamilya, integridad, at puso.
Inihahatid ng ‘Shadow CEO’ ang pinagsama-samang misteryo, drama, at romansa sa isang kapanapanabik na kwento, tampok rin dito ang bagong tambalan nina Dylan Yturralde at Vivoree Esclito na siguradong magpapakilig at magpapa-intriga sa mga manonood.
Kapag nalantad na ang katotohanan, pipiliin kaya ni Jerome na ipagtanggol ang imperyong kanyang kinagisnan o magsimula ng panibagong buhay kasama ang babaeng nagbukas ng kanyang puso?
Ihanda na ang popcorn at sabayan ang mga plot twists at kilig moments sa “Shadow CEO,” simula ngayong Lunes (Oktubre 27) sa iWant.
Tangkilikin ang iWant Originals at iba pang exclusive content sa halagang ₱35 bawat buwan.
Damhin ang bawat kwento, anumang oras, saanman, kahit kailan dito lamang sa iWant. I-download ang app at mag-subscribe sa Google Play, Apple App Store, o bisitahin ang website sa www.iwanttfc.com.
Para sa mga pinakabagong balita at update, i-follow lamang ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, and YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.









