Tampok ang laban ng kabataang Pinoy sa pangarap at pag-ibig sa abroad
Bibida sina “Pinoy Big Brother” ex-housemates Emilio Daez at Kaori Oinuma sa kanilang kauna-unahang pelikula bilang loveteam, tampok ang kwento ng pag-ibig at pag-abot ng kanilang pangarap sa abroad, sa “Romance Reboot” na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Oktubre 17 (Biyernes), 8pm.
Gaganap si Emilio bilang Enzo, isang photographer na mula sa mayamang pamilya ngunit hindi makahanap ng trabaho sa Sydney, Australia. Isasabuhay naman ni Kaori ang karakter ni Kai na live-in partner ni Enzo at masipag na raketera na naghahangad ng mas maganda at payapang buhay.
Masusubok ang relasyon nina Enzo (Emilio) at Kai (Kaori) sa pagpasok ng AI generated doll na si McKenna na gagampanan ni Kapamilya actress and singer Shanaia Gomez.
Sa direksyon ni Jules Katanyag at sa panulat nina Erwin Blanco at Trisha Mae Delez, tampok sa pelikula ang laban ng kabataang Pinoy sa pangarap at pag-ibig habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Alamin kung saan hahantong ang pag-iibigan nina Enzo at Kai kasama ang AI doll na si McKenna. Abangan ang “Romance Reboot” na eksklusibong mapapanood sa iWant ngayong Oktubre 17 (Biyernes).
Sa abot kayang halaga na P35 kada buwan, matutuwa na ang mga pamilya sa panonood ng eksklusibong mga palabas hatid ng iWant saan man sa mundo (maaaring mag-iba ang presyo sa ibang bansa).
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.