Sa patuloy na pagdiriwang ng “ASAP” ng ika-tatlong dekada, dadalhin nila ang world-class Pinoy talent sa Vancouver tampok sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Daniel Padilla ngayong Linggo (Okt. 29).
Saksihan ang engrandeng solo performance ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. Magpapatuloy ang kasiyahan kasama si Vice at sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Darren, Kim Chiu, at Ogie Alcasid.
De-kalibreng OPM performances naman ang hatid nila Daniel Padilla, Regine Velasquez, Darren, Inigo Pascual, Martin Nievera, Sofronio Vasquez, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Jona, Klarisse De Guzman, Yeng Constantino, Angeline Quinto, at Piolo Pascual sa opening number.
Asahan ang pang-malakasang solo performance ni Moira, at duet nila ni Daniel. Samantala, magdadala naman ng matinding energy sa dance floor sina Enchong Dee, Robi Domingo, Edward Barber, Joshua Garcia, at ang G-Force.
Pasabog din ang global singing champs showdown nina Angeline, Yeng, Teresa Puri, Sofronio, Raymond Salgado, Jona, Beverly Saraza, Erik, Argel Monte De Ramos, Klarisse De Guzman, Edel Quibol, at Regine kasama ang Himig ng Kabataan Cultural Society Choir.
Abangan din ang all-star finale performance ng “ASAP” family.Maglilingkod bilang hosts sina Belle Mariano, Alexa Ilacad, Darren Espanto, at Inigo Pascual.
Huwag palampasin ang makasaysayang pagdiriwang ng 30 taon ng Filipino pride sa “ASAP in Vancouver,” ngayong Linggo (Okt. 29), 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z, iWantTFC, at TFC worldwide.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom


