
Kathryn is back! Tampok sa bagong serye kasama sina James at Maja
Inanunsyo ng ABS-CBN ang mga pasabog nitong bago at nagbabalik na mga programa na dapat pakaabangan ng mga manonood ngayong 2026.
Nagbabalik telebisyon si Asia’s superstar Kathryn Bernardo para sa romance-mystery na “Someone, Someday” kasama sina James Reid at Maja Salvador.
Kakaibang kilig at misteryo naman ang hatid nina Joshua Garcia at Ivana Alawi sa “Love is Never Gone”—ang kauna-unahang Pinoy TV series na kinunan sa Morocco.
Magsasanib-pwersa rin sina Kapamilya action stars Richard Gutierrez at Gerald Anderson para sa isang maaksyong bagong programa.
Nagbabalik din si ABS-CBN former president, host, at aktres Charo Santos-Concio para sa bagong season ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tampok ang mga bagong kwentong tiyak na magpapaiyak at maghahatid ng inspirasyon sa mga manonood.
Kakaibang kulitan naman ang hatid ni Luis Manzano sa pagbabalik ng mga kwelang game shows na “Kapamilya, Deal or No Deal” at “Minute to Win It.”
Maliban sa kapana-panabik na plot twists na hatid ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “Roja,” at “What Lies Beneath,” di rin dapat palampasin ang game-winning moments sa “It’s Showtime” at “Rainbow Rumble,” pati na rin ang mga bago at kakaibang mga transpormasyon sa “Your Face Sounds Familiar.”
Samantala, paiinitin naman ng “ASAP” family ang stage sa mga bagong musical experiences na hatid nito sa mga bagong manonood.
Di rin dapat palampasin ang mga bagong microdramas na magiging available sa iWant sa darating na taon.
Mapapanood ang mga kapanabik-nabik na programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 at cable, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at iWant. Patuloy namang napapanood ang mga prime programs nito sa A2Z, habang available rin ang ilang palabas nito sa Netflix at Prime Video PH. Samantala, ang “It’s Showtime” at “Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0” ay nananatiling napapanood sa GMA.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
