News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Entertainment, may 54.5 milyong subscribers na sa YouTube, nananatiling most subscribed YT media and entertainment channel

January 26, 2026 AT 09:06 AM

ABS-CBN News leads in X followers, ABS-CBN Entertainment leads in Tiktok followers

Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga Pilipino at global audiences nito sa patuloy na suporta matapos magtala ng panibagong digital records sa YouTube, Facebook, Instagram, at X (dating Twitter) sa taong 2025.

Nanguna ang ABS-CBN Entertainment sa Southeast Asia bilang may pinakamaraming subscribers na pumalo sa 54.5 milyon base sa datos ng Tubular at YouTube Analytics. Nanguna rin ito sa Pilipinas sa kabuuang video views at audience engagement, na umabot sa 72.4 bilyong views at 526 milyong engagements mula Enero 1 hanggang Disyembre 31.

Patuloy na tinatangkilik ng viewers ang buong episodes, highlights, exclusive videos, at livestreams ng mga inaabangang programa gaya ng “FPJ’s Ang Batang Quiapo,” “Roja,” “What Lies Beneath,” “TV Patrol,” “It’s Showtime,” “ASAP Natin ’To,” “Your Face Sounds Familiar,” “Rainbow Rumble,” at “MMK” na napapanood sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Umabot na rin sa 300 milyong followers ang pinagsama-samang official pages ng ABS-CBN sa Facebook nitong Enero 23, 2026 na siyang pinakamataas sa Pilipinas batay sa datos ng Tubular.

Nanguna rin ang ABS-CBN Entertainment sa TikTok sa entertainment content category na may 12.8 milyong followers. Samantala, nagtala ito ng pinakamataas na Instagram views sa bansa na umabot sa 85.3 milyong views noong Disyembre 2025, ayon sa Tubular.

Sa X (dating Twitter), ang ABS-CBN News ang nanguna bilang most followed media account sa Pilipinas na may 9 milyong followers noong Disyembre 2025, batay din sa Tubular.

Nananatiling tuloy at tapat ang misyon ng ABS-CBN na maghatid ng pagmamahal, saya, at pag-asa sa mga Pilipino, saan man sa mundo, sa kabila ng mga pagbabago sa telebisyon, streaming at digital platforms.

I-follow at i-subscribe ang ABS-CBN sa YouTube, Facebook, Instagram, TikTok, at X.