News Releases

English | Tagalog

Annrain, ibinida ang nabigong pag-ibig sa self-titled debut EP

January 19, 2026 AT 09:31 AM

Bagong mapanakit na anthems para sa mga heartbroken

Pangungulila sa nabigong pag-ibig ang ibinahagi ng dating “Idol Philippines” season 2 finalist na si Annrain sa kanyang self-titled debut extended play (EP).

“It captures the stillness after the storm of a past love,” saad ng StarPop artist tungkol sa project.

Binubuo ang EP ng anim na awitin—“Ngayong Alam Ko Na,” “Catch Me I’m Falling,” “Di Ko Kayang Limutin,” “Para Lang Sa’yo,” “Kahit Di Mo Sabihin,” at “Bumalik Ang Nagdaan” na isinulat nina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, Christian Martinez, at StarPop label head Roque “Rox” Santos, na siya ring nagsilbing producer ng proyekto.

Unang nakilala si Annrain nang sumali siya ng “Idol Philippines” season 2 kung saan pinahanga niya ang manonood sa rendition niya ng “Orange Colored Sky,” “Till My Heartaches End,” at “The Power.” Matapos ang kanyang “Idol PH” journey, inilunsad niya ang debut single na “Bakit Ka Bumitaw” noong 2023 na naging bahagi ng Spotify Fresh Find Philippines playlist. 

Nakasama niya naman sina Geca Morales at Lyka Estrella sa PhilPop Himig Handog entry na “Langit Lupa” na nakakuha ng nominasyon para sa Best Alternative Recording at Best Collaboration sa 2025 Awit Awards.

Noong 2025, opisyal na inilunsad si Annrain bilang isa sa mga bagong recording artist ng ABS-CBN label na StarPop. Bahagi rin siya ng “A Kapamilya Christmas” album kung saan inilabas niya ang sariling bersyon ng “Ngayong Pasko Magniningning ang Pilipino” at “Family Is Forever.” Kasalukuyan siyang regular na napapanood sa “iWantASAP.”

Available ang self-titled debut EP ni Annrain sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Annrain, ibinida ang nabigong pag-ibig sa self-titled debut EP