Vice Ganda, “It’s Showtime,” “PBB,” “TV Patrol,” wagi!
Wagi ang mga programa at personalidad ng ABS-CBN, kabilang si Vice Ganda, sa ika-8 Gawad Lasallianeta na ginanap noong Enero 26 sa De La Salle Araneta University (DLSAU).
Kinilala ang “It’s Showtime” bilang Most Outstanding Variety Show, habang ang hosts nito ay nagwagi rin ng Most Outstanding Variety Show Hosts.
Itinanghal din si Unkabogable Queen Vice Ganda bilang Most Influential Celebrity at Most Outstanding Brand Endorser.
Panalo naman ang “It’s Okay to Not Be Okay” ng Most Outstanding Teleserye, habang ginawaran si Anne Curtis-Smith ng Most Outstanding Actress in a Lead Role para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Mia.
Tinanggap naman ni Zia Grace ang parangal na Most Outstanding Child Star para sa “Saving Grace,” habang hinirang naman si Maris Racal na Most Outstanding Actress in a Supporting Role para sa “Incognito.”
Naiuwi ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” ang parangal na Most Outstanding Competition/Reality Show, habang nakuha ng mga host nito and Most Outstanding Competition Show Hosts na pagkilala.
Panalo rin ang dating housemate na si Esnyr ng Most Outstanding Social Media Personality para sa kanyang natatanging digital presence.
Samantala, tinanggap naman ni Brent Manalo ang Zeal for Excellence as Lasallian Public Personality Award, isa sa mga pinakamataas na parangal na iginagawad ng DLSAU, para sa kanyang husay at positibong impluwensiya.
Kinilala rin ang “TV Patrol,” ang flagship news program ng ABS-CBN, bilang Most Outstanding News Show para sa patuloy nitong paghatid ng napapanahon, mapagkakatiwalaan, at makabuluhang balita.
Ang Gawad Lasallianeta ay nagbibigay-parangal sa mga pinakamahusay at pinakamaimpluwensyang media personalities sa bansa. Ang mga nagwagi ay resulta ng university-wide survey na nilahukan ng mga administrador, guro, magulang, at estudyante ng DLSAU.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.




