News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, DZMM Teleradyo, ABS-CBN Foundation at Aboitizpower, magsasanib-pwersa para tulungan ang mga nasalanta

January 27, 2026 AT 10:51 AM

Isang-taong partnership para palakasin ang disaster response at public service efforts

Mahalaga ang pakikipagtulungan sa kapwa na naapektuhan ng mga sakuna upang makabangon at makaahon sa hamon ng buhay. Ito ang layuning hatid ng ABS-CBN News, DZMM Teleradyo, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., at AboitizPower nang mapagkasunduan ang kanilang partnership ng isang taon. 

Inilagda kamakailan ng tatlong organisasyon ang Memorandum of Agreement sa punong tanggapan ng ABS-CBN sa Quezon City upang palakasin ang disaster response at public service efforts para sa mga komunidad na naapektuhan ng mga bagyo at climate-related emergencies.

Bilang bahagi ng partnership, magbibigay ang AboitizPower ng pondo para sa mga community programs ng ABS-CBN Foundation Inc gaya ng Gabay Kapamilya at Sagip Kapamilya. Saklaw rin sa pondong ito ang dagdag suporta para sa healthcare, medical missions, pangkabuhayan, edukasyon at emergency response ng foundation.

Sisiguraduhin naman ng DZMM Teleradyo ang pagpapalaganap ng impormasyon kung saan at paano makakakuha ng tulong ang mga apektadong komunidad sa publiko sa pamamagitan ng mga news at public affairs programs nito, Samantala, pinangungunahan ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation ang pagpapatupad ng mga proyekto sa mga naapektong komunidad upang masigurong makakarating ang tulong sa mga nangangailangan.

Samantala, aktibo rin na makikpagtulungan ang ABS-CBN News at DZMM Teleradyo sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation pagdating sa public service activities upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga nangangailangan.

Ipinapakita ng partnership na ito ang sama-samang dedikasyon sa paglilingkod at pagpapatuloy sa serbisyong pampubliko ng tatlong organisasyon para sa mga Pilipino lalo na sa panahon ng krisis.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

 

-30-

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE