News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, handog ang mga bagong programa ngayong Enero

January 20, 2026 AT 01:59 PM

Tampok ang pagbabalik ng “SOCO” sa free TV, mga kwentong kababalaghan, at exciting adventures sa probinsya

Ngayong Enero 2026, ihahatid ng ABS-CBN News ang mga bagong programa na kikiliti sa interes ng madla. Tampok dito ang mga kwento sa likod ng imbestigasyon ng mga krimen, kababalaghan, at kapanapanabik na paglalakbay sa iba’t ibang probinsya ng bansa.

Nagbabalik na sa free TV ang long-running investigative program na “SOCO: Scene of the Crime Operatives” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 simula noong Sabado (Enero 17), mula 4:30pm hanggang 5:15pm.

Sa pangunguna ni Gus Abelgas, alamin ang mga nakakapangilabot na kaso ng krimen at pagkamit ng hustisya para sa mga biktima kasama ang iba’t ibang ABS-CBN News reporters na sina Zyann Ambrosio, Dennis Datu, Jeff Caparas, Lyza Aquino, at Jessie Cruzat. Mapapanood rin ang simulcast ng programa sa A2Z at Kapamilya Online Live.

Samantala, silipin ang makatindig-balahibong mundo ng kababalaghan at hindi pangkaraniwan sa “Possessed: Real Stories from Filipino Exorcists” sa pangunguna ni award-winning na aktor na si John Arcilla, at alamin ang mga karanasan ng simbahang Katoliko laban sa mga elementong ispiritwal ngayong Martes (Enero 20).

Hahamunin ni Rico Hizon ang iba’t ibang pananaw ng mga viral na personalidad tungkol sa mga napapanahong paksa sa “Rated R: The Rico Hizon Podcast,” na magsisimula ngayong Enero 28 (Miyerkules).

Tuklasin naman ang kultura at rehiyong kinalakihan nina Andrea Taguines, Michael Delizo, Dennis Datu, at Bea Cuadra sa “Philippine Hometown Stories,” ngayong Enero 29 (Huwebes), at alamin ang mga tradisyon, sining, at kwento ng kanilang kabataan sa kani-kanilang bayan.

Panoorin ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Online Live tuwing Sabado. Samantala, mapapanood naman ang “Possessed: Real Stories from Filipino Exorcists,” at “Philippine Hometown Stories” sa ABS-CBN News YouTube Channel.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa FacebookXInstagramTikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 12 PHOTOS FROM THIS ARTICLE