News Releases

English | Tagalog

Bela, bibida sa bagong ABS-CBN series kasama sina Richard, Gerald

January 13, 2026 AT 09:56 AM

Nagbabalik telebisyon ngayong 2026

 

Pangungunan ni Bela Padilla kasama nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson ang isa sa mga bago at pinakamalalaking handog na programa ng ABS-CBN ngayong taon.

“This is very new for me, bagong bagong character. Bagong genre rin, first time kong mag-aaction drama, so I’m very excited. I think people will also be very surprised kung ano yung magiging takbo ng kwento rito or yung takbo ng karakter ko rito,” sabi ng Kapamilya actress sa kanyang panayam sa TV Patrol.

Ibinahagi rin niya na sumasailalim muli siya sa Muay Thai lessons at nag-aaral ng stunts bilang paghahanda sa kanyang karakter.

Pagkatapos ng mahigit isang dekada, makakasama muli ni Bela sa isang teleserye  si Richard na nakatrabaho niya sa 2013 series ng GMA na “Love & Lies.” Samantala, unang TV project naman ito ni Bela kasama si Gerald.

Ang wala pang titulo na action-drama series ay unang ipinatikim noong 2025 ABS-CBN Christmas Special.

Pangungunahan ito ng batikang direktor na si FM Reyes sa ilalim ng JRB Creative Production, ang creator sa likod ng mga teleserye na “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Nag-aapoy na Damdamin,” at “Sins of the Father.”

Ang nasabing teleserye ang pinakahihintay na comeback ni Bela sa telebisyon pagkatapos mapanood sa hit Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” Sino Ang Maysala: Mea Culpa,” at “My Dear Heart.”

Nagkaroon din ang aktres ng special participation sa 2024 series na “Pamilya Sagrado” at pumirma ng kontrata sa Star Magic noong August 2025.

Abangan ang updates tungkol sa nalalapit na teleserye. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Bela, bibida sa bagong ABS-CBN series kasama sina Richard, Gerald