Pasok din sa listahan ng Top 10 PH TV shows sa Netflix at iWant
Pasabog agad ang pagpasok ng bagong taon para sa “Roja” matapos ilabas ang mid-season trailer tampok ang umiigting na bakbakan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa action series, na napapanood na rin sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Nakamit din nito ang bagong all-time high online record matapos makakuha ng 541,446 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live noong Lunes (Enero 5).
Kaliwa’t kanan na rebelasyon ang dapat pang abangan sa serye, na kasalukuyang nasa listahan din ng Top 10 TV shows sa Pilipinas sa Netflix at iWant, dahil desidido nang magsanib-pwersa sina Liam (Donny) at Olsen (Kyle), kasama ang kaibigan na si Luna (Maymay Entrata), para tulungan ang mga pulis na pabagsakin ang mga hostage-taker ng La Playa Roja resort upang makatakas ng buhay ang mga natitirang biktima.
Kasing tindi rin ng bakbakan ang mga plot twist dahil masisiwalat ang malaking eskandalo nang pagbintangan ni Greta (Lorna Tolentino) ang matalik na kaibigan na si Wendy (Janice De Belen) na mang-aagaw sa kanyang asawang si Magnus (Raymond Bagatsing). Sa pag-usbong nito, lilitaw din ang mga hinala hinggil sa tunay na pagkakakilanlan ng ama ni Olsen, ang anak ni Wendy.
Pero hindi lang sa asawa magkakaroon ng problema si Greta dahil lalakas ang paghihinala ng anak nitong si Liam sa tunay na motibo ng kanyang ina nang mahuli ni Liam si Greta na palihim na nakikipag-usap sa hindi pa kilalang indibidwal sa telepono.
Sa kabilang banda, magkakagulo rin sa kampo ng mga hostage-taker dahil sa lider na si Emil (Joel Torre). Madadala kasi si Emil sa kanyang kahibangan para patayin si Magnus bilang ganti sa panlolokong ginawa nito sa kanyang anak noon, at magdadalawang-isip naman ang sariling mga tauhan ni Emil na nais nang sumuko sa mga awtoridad.
Sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga biktima, makakahanap pa kaya sina Liam at Olsen ng paraan para makaligtas? Paano nila haharapin ang mga paparating na rebelasyon na gugulat sa kanila?
Panoorin ang maaksyong mga kaganapan sa “Roja” gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 at Kapamilya Channel sa cable, pati sa A2Z at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Mapapanood din ang pinakabagong mga episode ng “Roja” 72 oras na mas maaga sa Netflix at 48 oras na mas maaga sa iWant. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa impormasyon tungkol sa “Roja,” bisitahin ang roja.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.






