Tuloy-tuloy ang feels this year sa iWant!
Damhin ang nais mong feels ngayong 2026 kasama ang iWant na handog ang special discounted prices sa annual plans na maaaring i-avail hanggang Enero 31 (Sabado), hatid ang isang taong access sa iWant original shows at series, Pinoy teleseryes, blockbuster movies, at iba.
Maaring ma-avail ang iWant Annual Basic Plan sa halagang P299 gamit ang promo code na “IWANT299” at ang Annual Premium Plan sa halagang P999 gamit ang promo code na “IWANT999.”
Nangunguna sa lineup ngayong Enero ang kaabang-abang na finales ng reality series na “AFAM Wives Club,” crime show ng veteran journalist na si Gus Abelgas na “SOCO,” at stand-up comedy series na “Benta Nights.” May fresh slate of originals ding parating, kabilang ang microdrama series na “Runaway Love” tampok ang social media sensation na si Analain Salvador, na mapapanood ang lahat ng episodes sa Huwebes (January 15).
Ilan pa sa maaaring i-enjoy at i-binge watch sa discounted annual plans ay ang pamatay sa kilig na kwento ng “Ghosting” series nina JM Ibarra at Fyang Smith, ang suspense-filled romance na “The Last Resort” nina Karina Bautista at Aljon Mendoza, “BINI World Tour Stories” tampok ang nation’s girl group na BINI, “Baka Doon sa Buwan,” at marami pang iba.
Bukas ang promo para sa lahat ng users na walang active subscription sa oras ng pag-avail. Paalala sa subscribers na ang promo codes ay redeemable lamang via web platform. Kinakailangang mag-log in o mag-register sa iWant.ph gamit ang web browser upang ma-claim ang discount.
Upang ma-avail ang offer, maaaring mag-log in o mag-register ang users sa iWant.ph, pumunta sa Account & Settings, piliin ang Upgrade Plan, i-toggle ang Yearly Billing, pumili ng nais na Annual Basic o Annual Premium Plan, ilagay ang promo code, at kumpletuhin ang pagbabayad.
I-download ang iWant mula sa Google Play o Apple Store at damhin ang lahat ng feels hatid ng favorite shows mo! Available rin ang iWant via Chromecast at AirPlay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWant, i-follow ang official pages nito sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.



