Bagong love songs para sa patuloy na lumalaban sa pag-ibig
Handa na muli harapin ng baguhang singer-songwriter na si JEL REY ang pagsubok ng pag-ibig sa bagong EP na “Southbelle 517” na hango ang titulo mula sa isang memorable vacation.
“Yung songs sa EP na ’to nabuo sa isang room kung saan ako nag-staycation sa Baguio, ‘Southbelle 517.’ Doon ako nagkaroon ng maraming ideas dahil tahimik yung lugar, walang pressure, kaya naging mas honest ako sa pagsusulat,” sabi ng StarPop artist.
Naglalaman ang alternative-pop rock EP ng limang awitin — “Anghel,” “Sariling Mundo,” “Nakakapagod Lang (feat. Jarea),” “Lapit-Layo,” at “Gusto Kitang Pakasalan” na mula sa komposisyon ni JEL REY. Nakasama rin niya sa pagsulat nito si Edsel Gabriel De Guzman, habang naging co-producer din ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
“Inspired siya ng mga panahong hindi ka okay, pero kailangan mo pa ring magpatuloy. Nandoon yung burnout, love na parang too good to be true, takot, pagdududa, at yung mabagal na realization na hindi lahat kailangang ipaglaban nang maingay,” saad niya.
Taong 2023 noong inilabas ni JEL REY ang debut single na “hele pono” na naging nominado sa 37th Awit Awards para sa Best Performance by a New Solo Artist.
Sinundan niya ito ng debut EP na “TERAPEWTIKA” tampok ang singles na “Tayo (ating istorya)” at “Nasa Alapaap Ang Paraluman.” Unti-unting nakilala ang StarPop artist sa singles niya na “Parapelikula” at “Naiilang” na nakapasok sa top 10 ng Spotify Viral Songs Philippines at umani ng mahigit 480,000 streams.
Available ang “Southbelle 517” EP ni JEL REY sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


