News Releases

English | Tagalog

Lihim na pag-iibigan nina Mary Joy at Mutya, ikinagulat ng manonood sa "What Lies Beneath."

January 06, 2026 AT 03:41 PM

 

Napapanood na sa Kapamilya Channel sa AllTV2

 

Pasabog na plot twist ang nasilayan ng manonood nang tuluyan nang nabunyag ang pagkakakilanlan ni “Bana”—ang misteryosong minahal ni Louisa (Mutya Orquia)—na nagbukas ng kakaiba at hindi inaasahang girl-love (GL) storyline na muling nagpagulo sa paghahanap sa kanyang salarin.

 

Sa nakakagulat na rebelasyon, inamin ni Liezel (Mary Joy Apostol) na siya si Bana—ang babaeng minahal ni Louisa. Lumutang ang katotohanan matapos ang mainit na sagupaan nina Beth (Charlie Dizon), Erica (Kaila Estrada), Mel (Sue Ramirez), Alice (Janella Salvador), Angelo (Marlo Mortel), at Ryan (Yves Flores), tungkol sa pagdating ng sulat kay Angelo.

 

Ibinunyag ni Liezel ang kanilang lihim na pagmamahalan, puno ng takot at sakripisyo, pati na ang planong tumakas sa Amurao pagkatapos ng graduation na nauwi sa trahedya nang matuklasan ito ng kanyang ama, si Pastor Samuel. Ang kanyang malamig na ultimatum—tapusin ang relasyon o malagay sa panganib si Louisa—ay nagdulot ng madilim na pangyayari bago ang pagkamatay ni Louisa.

 

Habang lumalala ang tensyon sa nangyaring pagtuklas sa relasyon nina Louisa at Liezel, lalong umiigting ang misteryo: Papalapit na ba ang MABELs sa tunay na salarin? May itinatago ba si Angelo, o mas malalim ang papel ni Pastor Samuel kaysa sa inaakala?

 

Nanatili ang “What Lies Beneath” bilang isa sa pinaka-pinanonood na serye sa Netflix Philippines at iWant habang ang naturang episode ay nakalikom naman ng 222,313 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live. 

 

Abangan ang mga nakakabiglang rebelasyon sa “What Lies Beneath,” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:30 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 at iba pang platforms. Maari ring manood sa Kapamilya Online Live, A2Z, iWant, at Netflix.

 

Para sa pinakabagong updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang ABS-CBN Newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE