Ngayong 2026, inihahandog ng iWant ang bago nitong microdrama na “Runaway Love,” na ipapalabas ngayong Huwebes (Enero 15).
Sa unang pagkakataon, bibida si Analain Salvador sa una niyang serye bilang Jane, isang Filipina domestic helper sa Kaharian ng Alvar, na naninilbihan sa pamilya ni Prince Tim (ginampanan ni “PBB Kumunity Season 10 – 4th Big Placer”, Rob Blackburn), isang prinsipe na tila nagbago ang landas ng buhay nang mapataob ang kanilang pamilya mula sa digmaan.
Sa gitna ng panganib, tinulungan ni Jane si Prince Tim na makatakas at magtago sa isang baryo sa Pilipinas, kung saan matututunan ni Prince Tim ang simpleng pamumuhay kumpara sa dating niyang marangya at makapangyarihang buhay.
Habang natututo si Prince Tim makibagay sa pamumuhay sa Pilipinas, unti-unting umuusbong ang pagtitinginan nila ni Jane. Ngunit ang kanilang bagong buhay ay muling manganganib sa pagdating ng isang assassin na may layuning wakasan ang buhay ng natitirang linya ng dugo ng dating hari.
Huwag palampasin ang premiere ng “Runaway Love” sa iWant sa darating na Huwebes (Enero 15).
Ma-e-enjoy mo na lahat ng bago at paparating na shows ngayong 2026 sa iWant sa mas pinamurang halaga. Mag-subscribe na sa iWant at gamitin ang promo code na “IWANT299” para sa iWant Annual Basic Plan sa halagang P299 o piliin ang iWant Annual Premium Plan sa code na “IWANT999.” Maari lamang i-avail ang discount hanggang Enero 31 (Sabado).
Para sa mga pinakabagong balita at update, i-follow lamang ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, and YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
-30-




