News Releases

English | Tagalog

Baguhang rapper na si Neeyong, hinarap ang bagong buhay sa debut EP na "Personal Inventory"

January 14, 2026 AT 11:16 AM

Pakikipaglaban sa addiction, ibinahagi sa mini album

Matapang na ikinuwento ng baguhang rapper na si Neeyong sa kanyang debut extended play (EP) na “Personal Inventory” ang pagbangon niya mula sa drug addiction.

“Dumaan ako sa buhay na magulo, buhay na puro bisyo, yung buhay na walang pakialam sa mga tao sa paligid ko. Noong ipinasok ako ng daddy ko sa rehab, doon ko na-realize ang lahat at nakipag-reflect ako nang maayos para baguhin ko yung sarili ko. Habang nandoon ako, ibinuhos ko yung mga pinagdaanan ko sa mga sinulat kong kanta,” saad ni Neeyong.

Tampok sa “Personal Inventory” ang limang awitin na  “Yellow Corner,” “Programa,” “Recuperation,” “9/21,” at “Neon,” na isinulat mismo ni Neeyong at iprinodyus ni Michael Cursebox sa ilalim ng supervision ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Nagsisilbing key track ang “9/21” na umiikot sa perspektibo ng rapper sa mapait na sitwasyon na hinaharap ng bansa.

Inilabas ni Neeyong ang debut single na “Agos ng Tubig” noong 2024. Ipinamalas ng 15-year-old rapper ang talento sa iba’t ibang school performances at pagiging guest performer sa concerts. Ilan sa itinuturing niyang musical influences ay sina Gloc 9, Shanti Dope, Flow G, Hellmerry, Eminem, Tupac, Michael Jackson, at Snoop Dogg.

Available na ang “Personal Inventory” ni Neeyong sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Baguhang rapper na si Neeyong, hinarap ang bagong buhay sa debut EP na "Personal Inventory"