News Releases

English | Tagalog

Mga bida ng "Blood vs Duty," sumailalim sa script read, look test

January 29, 2026 AT 04:09 PM

Bilang paghahanda para sa nalalapit na action-drama series

Sumabak na sa script reading at look test ang mga bida ng upcoming ABS-CBN primetime series na “Blood vs Duty” na sina Richard Gutierrez, Bela Padilla, at Gerald Anderson, kasama sina Barbie Imperial at Baron Geisler, bilang paghahanda para sa kani-kanilang papel sa inaabangang teleserye. 

Nakasama rin sa pre-production activities noong Miyerkules (Enero 28) sina Edgar Mortiz, Rommel Padilla, at Susan Africa na kumpirmadong makakasama rin sa action-drama series.

Natapos ang kanilang paghahanda sa pamamagitan ng isang Thanksgiving Mass sa ABS-CBN chapel na pinangunahan ni Fr. Tito Caluag. 

Isa ang “Blood vs Duty” sa exciting projects ng ABS-CBN ngayong 2026. Inanunsyo ang proyekto noong Enero 19, at nagsimula nang mag-training sina Richard, Bela, at Gerald bilang paghahanda sa kanilang action scenes na dapat abangan.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 8 PHOTOS FROM THIS ARTICLE